Mga Alkalde Na Ipinatawag Ni P-Duterte Sa Isang Closed-Door Meeting, Magkakaiba Ang Naging Reaksyon

44

MANILA – Magkakaiba ang naging reaksyon ng mga alkalde na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang closed-door meeting sa malakanyang.Aminado ang ilang alkade na hindi naiwasan ng pangulo na magmura.Sa nasabing pag-uusap, muling ipinakita ng pangulo ang kanyang narcolist folder pero walang binanggit na pangalan.Sa halip, pinasusuko lamang nito ang mga sangkot sa ilegal na droga.Nagbigay din ito ng “go signal” na habulin ang mga alkalde at barangay chairman na may kinalaman sa droga at patayin umano kung kinakailangan.Sa kabuuan ayon kay Presidential Communication Secretary Martin Andanar –ay naging maganda ang resulta ng meetingSinasabing mahigit isanlibong alkalde sa bansa ang nagpunta sa ipinatawag na closed door meeting kung saan hinati sa tatlong batch ang ginawang pakikipag-usap ng pangulo.

Facebook Comments