Manila, Philippines – Hiniling ni Bayan Muna Rep.Carlos Zarate na kontrolin ng gobyerno ang singil ng mga telecommunication companies sa tawag at text messages.
Sa House Bill 6563 o Mobile Phone Subscribers` Rights, inoobliga ang mga telcos na magsumite ng petisyon sa National Telecommunication Commission sa tuwing magbabago ang mga ito ng singil sa serbisyo.
Maaari namang paburan o ibasura ng NTC ang petisyon ng telcos kung magiging mabigat ang epekto nito lalo na sa mga mahihirap at maliliit na negosyo.
Ipinapasukat din ang performance ng mga telcos base sa success rate ng tawag sa linya nito at ipinapadetalye ang billing ng postpaid subscribers.
Ipinatatanggal din ang expiry ng prepaid cards at bawal din ang mga hindi totoong advertisement ng telcos gayunin ag unsolicited commercial advertisement.
Pagmumultahin naman ng isang milyon hanggang sampung milyong piso ang mga lalabag sa oras na maging ganap na batas ito.