Tumaas na rin ang arawang sahod ng mga manggagawa sa Region 8 o Eastern Visayas.
Ito ay matapos aprubahan ng National Wages and Productivity Commission ang singkwenta pesos na dagdag sahod sa mga minimum wage earners sa rehiyon.
Ibig sabihin, mula sa P325 ay nasa P375 na ang maiuuwi kada araw ng mga minimum wage earners pero isasagawa ito sa pamamagitan ng dalawang bugso.
Unang ipapatupad ang P25 na wage increase labinglimang araw matapos ito mailathala sa mga pahayagan habang sa Enero 2, 2023 naman ang karagdagang P25.
Bukod diyan, dinagdagan na rin ng P500 ang buwanang sahod ng mga domestic workers kagaya ng mga kasambahay sa Eastern Visayas.
Huling nagkaroon ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa Eastern Visayas noong 2020.
Facebook Comments