MAGSASAKA SINUNOG UMANO ANG SARILING BAHAY SA MALASIQUI

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang isang magsasaka matapos nitong sunugin ang sarili niyang bahay sa bayan ng Malasiqui.
Sa report ng pulisya, nakatanggap ito ng tawag ukol umano sa isang bahay na nasusunog sa brgy. Abonagan.
Dito na pinuntahan ng pulisya kasama ang BFP ang naturang bahay at isang 19 anyos na binata ang nakakita sa nangyaring pagsunog ni Noel Torres sa kanyang sariling bahay.
Salaysay nito sa pulisya, kumuha umano ng isang gallon ng gasolina ang suspek at ibinuhos sa palibot ng kaniyang bahay at sinindihan gamit ang lighter.
Aabot sa 10, 000 halaga ang naging pinsala ng sunog.
Ayon sa awtoridad, selos sa kanyang live in partner ang nakikitang dahilan kung bakit nito nagawang sunugin ang kanyang sariling bahay.
Wala namang nasaktan sa nangyaring insidente dahil sa taong wala sa kanilang tahanan ang kanyang kinakasama.
Tumakas naman ang suspek matapos gawin ang pagsunog sa kanilang bahay.
Sinampahan na ng kasong arson ang suspek. | i#ifmnews
Facebook Comments