SINGLE BUT HAPPY | Katrina Halili, extra effort para maging mabuting halimbawa sa anak

Manila, Philippines – Kahit single, happy pa rin daw ang sexy/actress na si Katrina Halili.

Kwento ng 32-year old actress, nag-e-enjoy pa siya sa pagiging single kaya kahit sa pakikipag-date ay pass raw muna siya.

Gusto rin kasi niya na maging mabuting halimbawa kay Katrence, anak ni Katrina sa ex-boyrfriend niyang si Kris Lawrence.


Plano ni Katrina na mag-settle down sa edad 35.

Kaya hiling ng aktres, sakaling magka-boyfriend siya, sana raw ay ito na rin ang maging forever niya.

Facebook Comments