GO LARGE OR GO HOME | Bride na payat, bawal ikasal sa Africa!

Mauritius, East Africa – Kasama ang pagpapa-sexy sa paghahandang ginagawa ng isang babae bago ang araw ng kanyang kasal.

Pero sa Mauritius, East Africa, sa halip na magpa-sexy, required daw ang mga bride na magpataba!

Ito ay bahagi raw ng tradisyong “Go large or Go home” kung saan kapag dumating na payat sa wedding venue ang bride, pauuwiin siya at kakanselahin ang kasal.


Itutuloy lang daw ang kasal kapag na-achieve na ng babae ang pagkakaroon niya ng matabang pangangatawan.

Naniniwala kasi ang mga taga-Mauritius na kapag mas mataba ang bride, mas magiging maunlad ang pamumuhay ng mag-asawa.

Facebook Comments