Single-use plastics at online transactions, balak buwisan ng DOF

Plano ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na singilin ng buwis ang mga online transactions at ang single-use plastics.

Ayon kay Diokno, kabilang ang Pilipinas sa halos 200 bansa na nakiisa sa kasunduan na Paris noong December 2015 na bawasan ang greenhouse gas emissions para mabawasan din ang pag-init ng temperatura sa mundo.

Malaking tulong din aniya ito sa kalikasan ng bansa.


Gayunman, nakasaad sa United Nations Environment Program (UNEP) 2018 report na kabilang ang Pilipinas sa top plastic polluters sa mundo.

Samantala, sinabi ni Diokno na dati nang isinulong niya ang pagpapatupad ng “correct” taxes sa streaming service payments at iba pang digital transactions para madagdagan ang kita ng pamahalaan.

Matatandaang, kabilang sa fiscal consolidation plan ang pagpapatupad ng bagong buwis, ipagpaliban ang pagbawas sa personal income tax at palawigin ang value added tax base.

Facebook Comments