Smile Policy, ipinatupad sa mga government employee at official ng Mulanay sa Quezon Province

42

Bawal nang sumimangot ang mga kawani at opisyal ng Mulanay Municipal Government sa Quezon Province.

Kasunod ito ng ipinatupad ng Smile Policy ni Mulanay Mayor Aristotle Aguirre para sa mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan.

Sa ilalim ng naturang Executive Order, inuutusan ang lahat ng kawani at opisyal ng bawat departamento maging ang mga tanggapan, units at sections ng LGU na laging ngumiti habang pinagsisilbihan ang publiko.


Kailangan itong gawin upang maipakita ang kalmado at maamong imahe sa kanilang mga pinagsisilbihan.

Mahaharap naman sa disclipinary sanctions ang mga hindi tatalima nito.

Facebook Comments