Manila, Philippines – Punto por punto ipapaliwanag sa Media sa gagawing presscon ng nasibak na SBMA Chairman na si Martin Diño ang tunay na mga nangyayari sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Una rito kinasuhan ni Diño sa tanggapan ng Ombudsman ang ipinalit sa kaniya na si Wilma Eisma.
Ayon kay Dino, hindi pa niya natatanggap ang utos ng kaniyang pagkasibak dahil galing umano siya sa Ombudsman para magsampa ng kaso laban kay Eisma dahil sa mga pinirmahan nitong cheke na hindi naka bond.
Giit ni Diño hindi siya kapit tuko sa puwesto, pero may hinala umano siya na hindi maimpormahan si pangulong Duterte sa tunay na nangyayari sa loob ng SBMA.
Paliwamag ni Diño ginawa lamang umano niya ang marching order sa kanya ng pangulo na linisin ang SBMA sa anumang klaseng kurapsyon.
Ipinagmalaki pa ng dating opisyal ng SBMA na buo pa umano ang tiwala sa kanya ng kinabibilangan niyang grupo na Volunteers Against Crime and Corruption maging si pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pamumuno sa SBMA.