Manila, Philippines – Hindi na kasapi ng NFA council si Secretary to the Cabinet Leoncio Jun Evasco na dating chairman ng konseho.
Ayon sa isang palace official na source ng radyo patrol, otomatik ng hindi mapapabilang si Secretary Evasco sa reorganized NFA council ngayong ibinalik na sa Department of Agriculture (DA) ang pangangasiwa sa NFA.
Hiniling naman ng Development Bank of the Philippines o DBP na maalis na rin sila bilang miyembro ng NFA council.
Magiging bagong kasapi naman ang DSWD.
Ang NFA executive committee ay bubuuin na ng mga kinatawan mula sa DA, finance department, NFA at Office of the President.
Ang importasyon ng bigas ay sa ilalim na ng pangangasiwa ni DA Undersecretary Berna Romulo Puyat.
Kagabi pinulong ni Pangulong Duterte ang rice traders kasama ang mga miyembro ng reorganized NFA council.
Pero bago ang meeting ay pinulong muna ni Duterte si Evasco.