SINIGURADO | Pasay COMELEC, tiniyak ang due process para sa 5 hinihinalang flying voters

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pasay COMELEC officer IV Atty. Ramil Comendador na maibibigay ang due process sa limang hinihinalang flying voters.

Paliwanag ni Atty. Comendador, bahagi ng due process ang pagpapabalik sa kanila sa polling precinct sa Rivera Elementary School para bumoto.

Ayon kay Atty. Comendador, wala sa proseso na basta na lang dinampot at dinala sa tanggapan ng COMELEC Pasay ang lima.


Dapat aniya ay nagpresenta muna ng mga ebidensya sa harap ng Board of Election Inspectors ang mga nag-aakusa na sila ay flying voters para hadlangan na sila ay makaboto.

Idinagdag pa ni Atty. Comendador na napatunayan ding rehistrado ang lima sa Brgy 194.

Ikinatwiran pa ni Atty. Comendador na tapos na ang itinakdang panahon ng pagkwestyon sa voter’s list na dapat idinulog noon pa sa election registration board.

Facebook Comments