SINIGURO | DBM, tiniyak na may pondo sa susunod na eleksyon sa 2019

Manila, Philippines – Tiniyak ni Budget Sec. Benjamin Diokno na tuloy ang eleksyon sa susunod na taon.

Ito ang iginiit ni Diokno kasunod ng naging pagtatanong ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., kaugnay sa no-election sa ilalim ng Federalism.

Binigyang diin ni Diokno na hindi nila pinag-uusapan ang no-election scenario.


Sa katunayan aniya, P7 Bilyong piso ang nakalaan sa ilalim ng 2019 budget para sa pagdaraos ng 2019 midterm elections.

Ngayon namang 2018, aabot naman sa P11 Billion ang nakalaan para sa preperasyon ng paparating na halalan.

Dahil dito, sinabi ni Andaya na sapat na ito para humupa ang pangamba na hindi matutuloy ang halalan sa 2019.

Facebook Comments