Magbibigay-daan si Naga City Number 1 Councilor Nene de Asis sa pagtakbo bilang mayor ng Naga City kung talagang tatakbo bilang pambato ng Team Naga sa pagka alkalde sa 2019 si incumbent Cong. Gabby Bordado ng Camarines Sur 3 rd District. Lumabas ang impormasyong ito base sa pag-uusap nina Vice President Leni Robredo, Cong. Bordado kasama si Number 1 City Councilor Nene de Asis. Naganap ang pag-uusap sa bahay ng ina ni Robredo dito sa Naga City.
Magugunitang ilang beses nang nag-uusap ang iilan lamang sa mga myembro ng Team Naga kaugnay ng kung sino talaga ang magbabandera sa grupo pagdating ng filing ng COC sa susunod na buwan.
Ayon kay de Asis, kung sakaling si Bordado ang mapipili na maging standard bearer ng Team Naga, willing siyang magiging running-mate bilang vice-mayor.
Kaugnay pa rin ng political scenario sa Naga City at Camarines Sur 3rd District, posibleng magkakaroon umano ng political swapping kung saan, si incumbent 3rd termer Naga City Mayor John Bongat ay tatakbong kongresista ng 3rd District at si incumbent Congressman Gabby Bordado naman ang siyang tatakbo bilang alkalde ng Naga.
Samantala, isang pagtitipon din ng iilang myembro ng Team Naga ang isinagawa sa Villa Caceres kung saan nagkaroon ng kasunduan sina De Asis at Legacion na susundin kung anuman ang magiging resulta ng proceso kung saan ipapadaan sa survey ang mga magiging kandidato ng Team Naga sa pagka-alkalde at bise-alkalde maging ang mga kakandidato sa pagka-konsehal ng syudad.
Tested and proven na ang political strategy ng Team Naga ilang election na ang nakakalipas kung saan ang linyang gabus-kun-gabos, ubus-kun-ubos ay naging tanyag dahil sa pagkapanalo ng lahat ng kandidato nito mula mayor hanggang sa konsehal.
Ang Team Naga gabus-kun-gabos, ubus-kun-ubos ay pinasimulan ng yumaong mayor at dating DILG Secretary Jesse Robredo na 18 years ring naging mayor ng Naga City.
Sino Ang Magiging Pambato ng Team Naga sa 2019, Bordado, de Asis, or Legacion???
Facebook Comments