Sinopharm, dadaan pa rin sa FDA approval bago magamit dito sa Pilipinas

Kinakailangan pa ring dumaan sa approval ng Food and Drug Administration ang COVID-19 vaccine ng Sinopharm bago tuluyang magamit dito sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, ito ay kahit na nakalista na ang sinopharm sa emergency use listing ng World Health Organization (WHO).

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t malaking dagdag sa kredibilidad ng bakuna ang pagkakasali nito sa listahan ng WHO ay dadaan pa rin ito sa regular na proseso dito sa Pilipinas.


Ang Sinopharm ang unang Chinese COVID-19 vaccine na nakabilang sa emergency use listing ng WHO kung saan kasama na rin ito sa bakunang ipapamahagi sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng COVAX facility.

Facebook Comments