Sinopharm, hindi pa nakakapagsumite ng EUA sa FDA

Hindi pa nakakapagsumite ng aplikasyon ang Sinopharm para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine.

Ayon kay ng Food and Drug Administration (FDA) Director General Undersecretary Eric Domingo, hindi pa bumalik ang dalawang nagpakilalang kinatawan ng Sinopharm at hanggang ngayon wala silang isinusumiteng mga dokumento.

Bagama’t nabigyan na ng Compassionate Special Permit (CSP) ng FDA ang Presidential Security Group (FDA) para makabili ng ikalawang dose ng bakuna mula China para sa mga naturukang PSG, hangaang noong isang linggo aniya ay wala pang impormasyon na dumating na ito sa bansa.


Matatandaang patagong nabakunahan ng kontra COVID-19 ang PSG noong nakaraang taon kahit na hindi pa ito naaprubahan ng FDA.

Facebook Comments