Sinopharm vaccines, hindi pa naibabalik sa China – Palasyo

Muling ibinunyag ng Malacañang na hindi pa naibabalik sa ngayon ang Sinopharm COVID-19 vaccines sa China.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring hindi na ito ibalik dahil inaasahang mabibigyan ito ng emergency use authorization (EUA).

Dagdag pa ni Roque na ipinagkaloob ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm ng emergency use list (EUL), na makakatulong para mapadali ng Department of Health (DOH) ang paghahain ng EUA application nito.


Magugunitang ipinag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang mga donasyong bakuna kasunod ng kanyang pagbabakuna sa nasabing brand na mayroon lamang compassionate special permit (CSP) mula sa Food and Drug Administration (FDA) para sa Presidential Security Group (PSG).

Facebook Comments