Tuguegarao City, Cagayan – Naisamang nasunog ang isang bahay matapos sindihan ang basura at mga tuyong dahon sa tabi nito sa Pengue Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan.
Ang sunog ay nagsimula bandang alas diyes ng umaga kahapon ng Marso 11, 2018 at nadeklarang fire out bandang ala-una na ng hapon.
Ayon sa ginawang panayam ng RMN Cauayan News correspondent na si Evangeline Malana kay Ginang Julia Torres, 50 anyos, negosyante at mismong nagmamay-ari ng bahay, bandang alas diyes ng umaga ay sinindihan niya ang naipong kalat kasama ang mga tuyong dahon sa tabi ng kanyang bahay.
Pagkatapos nun at kasabay ng malakas na hangin ay kumalat ang apoy at inabot ang kisame at mga bahagi ng bahay na gawa sa light materials.
Agad itinawag sa bumbero ang insidente at rumesponde ang limang trak mula sa Solana at Tuguegarao kasama ang isa pang tanker ng provincial government.
Sinikap isalba ang bahay ngunit natupok din ito at walang nailigtas na mga ari arian.
Sa naturang panayam ay sinabi ni Ginang Torres na aabot sa 10 milyon ang napinsala ng naturang sunog dahil wala man lang silang naisalba na gamit.