SINUPORTAHAN | Panawagan ni DOT Sec. Puyat na magbitiw sa pwesto ang mga opisyal ng DOT, suportado ng Palasyo

Manila, Philippines – Suportado ng Malacañang ang panawagan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo- Puyat sa mga Asec at Usec ng DOT na bumaba na sa pwesto.

Sa ganitong paraan ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ay mas magiging epektibo si Puyat kung siya mismo ang pipili sa mga taong magiging katuwang niya sa kaniyang mga programa.

Ayon kay Roque, natutuwa ang pangulo sa mga hakbang ni Puyat kontra korupsyon lalo’t una na ring mandato ng Pangulo kay Puyat ang paggawa ng tama at paglaban sa korupsyon sa kaniyang ahensya.


Matatatandaan, na noong nakaraang linggo, nakiusap si DOT Sec Puyat sa mga Asec at Usec na itinalaga ni dating Tourism Secretary Wanda Teo na boluntaryo nang bumaba sa pwesto Dahil bukod aniya sa posibilidad na ayaw ng mga ito na maglingkod sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ay hindi fit ang mga ito sa mga programang nais niyang isulong.

Facebook Comments