NAGBABALA | Pangulong Duterte, may babala sa mga judge at justice

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga judges at justices sa bansa kaugnay sa asawa ng ex-wife ng kaniyang anak na di umano ay judiciary fixer.

Ayon kay Presidential Spokeperson Secretary Harry Roque, nagiikot raw ito at ginagamit ang pangalan ng Pangulo at apo nito upang magsilbing fixer.

Hindi na idinitalye ni Roque ang mga pabor na hinihingi nito, pero ayon kay Roque, hindi dapat pagbigyan ang hiling nito dahil ang mga desisyon o resolusyon ng mga kaso ay nakabase dapat sa mismong dedisyon ng korte at hindi sa padrino.


Bukod dito ayon kay Roque, hindi rin naman kamaganak ng pangulo ang sinasabing judiciary fixer na ito.

Facebook Comments