Manila, Philippines – Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pag-iisyu ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa lahat ng business establishments sa Boracay.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ipinag-utos niya ang pag-review sa lahat ng ECCs para tiyaking sumusunod ito sa local at national laws, rules and regulations.
Bubuo aniya ng komite na binubuo ng attached agencies ng DENR tulad ng Environmental Management Bureau (EMB) at Mines and Geosciences Bureau (MGB) para rebyuhin ang lahat ECCs at environmental management plans ng bawat establisyimento sa isla.
Ang deadline ng pagsusumite ng application for permits at registration bilang hazardous waste generator, maging ang kinakailangang dokumento para sa lifting ng ECC suspension ay hanggang August 15.
Lahat naman ng permits ay nakatakdang ilabas bago o sa araw ng Setyembre 15.