SISIBAKIN | Bagong bugso ng pagsisibak sa mga matataas na opisyal, tiniyak ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang pang set ng matataas na opisyal ng gobyerno ang kaniyang sisibakin.

Sa kanyang talumpati sa Mass Oath taking ng mga bagong appointees, sinabi ng Pangulo na napilitan siyang sibakin sa pwesto ang mga ito dahil nabahiran na sila ng kalokohan.

Sa katunayan aniya ang iba sa mga ito ay malapit sakaniya.


Una nang sinibak ng Pangulo si Terry Ridon bilang chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), Peter Laviña bilang Administrator ng National Irrigation Authority (NIA), Dionisio Santiago bilang Chairman ng Dangerous Drugs Board, at Mike Sueno bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Facebook Comments