SISIGURADUHIN | Bangsamoro organic law, tiniyak na mapipirmahan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ng MalacaƱang na agad lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bangsamoro organic law oras na ito ay naratipikahan na ng Kongreso sa susunod na linggo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, posibleng hindi na dumaan o magkaroon ng ceremonial signing ng naturang batas dahil sa oras na matanggap ng Pangulo ang panukala ay agad niya itong lalagdaan.

Raratipikahan ng Kongreso ang bangsamoro organic law sa araw ng State of Nation Address (SONA) ng Pangulo sa July 23 kung saan posibleng lagdaan ito bago siya magtalumpati sa hapon.


Sabi naman ni Roque, malaki ang posibilidad na talakayin ng Pangulo ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa kanyang SONA speech sa Lunes.

Facebook Comments