Manila, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na prayoridad pa rin ng kamara de representantes ang pag-amyenda sa saligang batas.
Ayon kay Arroyo, kabilang ang cha-cha sa mga panukalang kanilang tututukan para sa planong pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa federalism.
Aniya, naipasa na naman na noon pa para mag convene ang Kamara at Senado para maging constituent assembly.
Gayunman, hinihintay pa nila ang panig ng Senado hinggil rito.
Giit pa ni Arroyo, bago pa man ang pagpapalit ng liderato ay nakahanda na ang buong kapulungan na pag-aralan ang draft ng federal constitution na binuo ng consultative committee o con-com.
Facebook Comments