Sisitahing Tsino dahil sa number coding, nanagasa ng kotse, nandura pa ng pulis

Courtesy Brian Bilasano
MAYNILA – Patong-patong na reklamo ang kinakaharap ngayon ng isang Tsino matapos lumabag sa batas-trapiko at nanagasa pa ng mga kotse nang sisitahin na siya ng isang traffic enforcer.

Kinilala ang pasaway na motorista na si Zhao Zhi Yo, 50-anyos.

Pahayag ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), pinapahinto nila ang sasakyan ng Chinese national sa kahabaan ng Binondo dahil “coding” ang minamaneho nito.

Nagpanggap pa raw ang suspek na hahanapin ang driver’s license pero pinaharurot niya ang SUV, dahilan para masalpok niya ang ilang kotse, isang e-trike, at motorsiklo ng MTPB.

Nakorner siya ng awtoridad sa panulukan ng Abad Santos at Tayuman at nang mabuksan ang binatan, bumungad sa kanila ang isang pasaherong Pinay.

Tila hindi pa nakuntento ang banyaga sa insidente at dinuraan pa ang mga pulis na umaaresto sa kaniya.

(VIDEO COURTESY: BRIAN BILASANO)

Nakita din ng operatiba ang ilang pakete ng hinihinalang shabu sa compartment ng dayuhan.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa number coding, resisting arrest, beating the red light, reckless imprudence resulting in damage to property, possession of illegal drugs at direct assult.

Facebook Comments