
Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Philippine National Police (PNP) para tutukan ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa Chinese businessman na si Anson Tan/Anson Que at kanyang driver na natagpuan sa Rodriguez, Rizal.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, pamumunuan ang Special Investigation Task Group (SITG) ni PLtGen. Edgar Okubo, pinuno ng Directorial Staff ng PNP at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Nicolas Torre III.
Sinabi ni Fajardo kabilang sa anggulong iniimbestigahan ang pagkakasangkot ng negosyante sa POGO.
Nabatid na mayroon ding steel business ang Chinese victim.
Ani Fajardo, nagbigay ang pamilya ng halos ₱100-M ransom sa mga kidnapper pero natagpuan parin ang wala nang buhay na biktima na itinapon sa gilid ng kalsada na tadtad ng pasa at iba pang body injuries.
Samantala, mayroon na ring lead na sinusundan ang PNP sa mga nasa likod ng krimen.