PAOCC, pinag-iingat ang mga Chinese-Filipino sa kidnapping incident

Hinimok ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga Chinese-Filipino sa Pilipinas na maging mapagmatiyag sa kanilang paligid upang maiwasan na mabiktima ng kidnapping.

Sa ginanap na Meet the Manila Press forum, sinabi ni PAOCC Director Undersecretary Gilbert Cruz na dapat i-report agad sa pulisya kung may anumang kahina-hinalang aktibidad sa paligid.

Aniya, ang kidnapping ay kadalasang may kasamang pagbabanta kaya’t maiging makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang maiwasan ito.


Pinayuhan din ni Cruz ang mga Chinese-Filipino na palitan ang kanilang ruta sa pagbiyahe at magpalit ng sasakyan paminsan-minsan upang makaiwas sa posibleng pagdukot.

Dagdag pa ni Cruz, doblehin din ang pag-iingat at huwag basta-basta maging kampante.

Ang pahayag ng opisyal ay kasunod ng insidente ng natagpuang patay sa Rodriguez, Rizal na Filipino-Chinese businessman na si Anson Que at ang kaniyang driver na dinukot sa Bulacan noong Marso 29.

Facebook Comments