Sitwasyon ng COVID-19 sa bansa, kontrolado na – Herbosa

Sinabi ni National Task Force against COVID -19 Medical Adviser, Dr. Ted Herbosa na kung siya ang tatanungin ay kontrolado na ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Herbosa, halos 71 million na ang fully vaccinated sa bansa kung kaya’t marami na ang may proteksyon laban sa virus.

Dagdag pa ni Herbosa na patuloy ring tinututukan ng pamahalaan ang pagpapataas ng antas ng bakunahan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at iba pang lugar na may mababang vaccination rate.


Samantala, sinabi ni rin ni Infectious Diseases Expert, Dr. Rontgene Solante na hindi dapat maalarma ang publiko kahit pa nadagdagan ng 5 ang kaso ng BA.2.12.1 Omicron subvariant sa bansa.

Facebook Comments