Sitwasyon ng mga mangagawa pilipino sa Guam, inaalam ng Kamara  

Nasa Guam ngayon ang mga miyembro ng House Committee on Overseas Workers Affairs na pinamumunuan ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo.

Nagsasagawa sila ng fact-finding mission ukol sa pamumuhay at kondisyon sa pagtatrabaho ng mga Pilipinong manggagawa sa Guam.

Ang naturang hakbang ay may basbas ni House Speaker Martin Romualdez bilang tugon sa liham ni Guam Governor Lourdes Leon Guerrero na tingnan ang working conditions ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Guam.


Nasa liham din ni Guerrero na padaliin ang proseso para sa mga OFWs na nais magtrabaho sa Guam at kung kailangan ay magkaroon din ng Filipino migrant affairs office doon.

Ayon kay Salo, ang magiging resulta ng kanilang fact-finding mission ay tiyak makakatulong sa pagbalangkas ng mga panukalang batas para mapahusay ang proseso sa gobyerno lalo na ang may kaugnayan sa mga OFWs.

Facebook Comments