Sitwasyon ng mga Pinoy athletes sa bansa, pinasisilip ng Kamara

Pinaiimbestigahan ni Cavite Representative Elpidio Barzaga ang kaawa-awang sitwasyon ng mga Pinoy athletes sa bansa.

Ito ay kasunod na rin ng kaso ng Filipino Chess Grand Master Wesley So, na nag-champion sa World Fischer Chess Championship sa ilalim ng bandila ng Amerika matapos na madismaya sa sistema ng sports sa Pilipinas.

Sa House Resolution 505 na inihain ni Barzaga, pinasisilip nito sa House Committee on Youth and Sports Development ang tinawag niyang “sorry state” ng mga atleta sa bansa.


Aalamin dito kung totoong nakakatanggap sila ng kinakailangang suporta mula sa pamahalaan at dahilan ng pag-alis ng mga magagaling na atleta sa bansa.

Sa kabila kasi ng sinasabing financial support ay nagrereklamo ang mga national athletes na hindi sapat ang natatanggap ng mga ito na allowance at tulong mula sa pamahalaan.

Layon din ng imbestigasyon na repasuhin ang umiiral na mga batas para matiyak na angkop ito para sa mga atleta.

Facebook Comments