Sitwasyon sa Basilan, kontrolado na ng militar

Bahagyang humupa ang putukan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ilang lawless elements at tropa ng militar sa Ulitan, Basilan.

Ayon kay Lt. Col. Abdurasad Sirajan, Chief PIO ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command sa ngayon kontrolado na ng militar ang sitwasyon sa Basilan.

Bagama’t hindi pa tuluyang tumitigil ang tensyon, kasalukuyan na itong tinatrabaho ng pamahalaan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities.


Aniya, sa ngayon mayroong isang brigada o nasa 3 hanggang 4 na batalyon ang naka-deploy sa lugar upang hindi na muling sumiklab ang gulo.

Una nang kinumpirma ng Joint Task Force Basilan na 5 sundalo ang sugatan sa nasabing bakbakan kung saan hindi pa maberipika ng pamahalaan kung mayroon ding sugatan o nasawi sa panig ng MILF at iba pang lawless elements.

Facebook Comments