Manila, Philippines – Balik-normal na ang sitwasyon sa Bohol matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulis laban sa bandidong Abu Sayyaf Group.
Kasunod na rin ito ng pagkakapaslang sa anim na miyembro ng asg kabilang ang sub-leader nitong si “Abu Rami”.
Sa press conference sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Chief-of-Staff Gen. Eduardo Año na maaari nang makabalik sa kanilang mga tahanan ang mga apektadong residente ng bakbakan.
Pero mahigpit pa rin ang paalala ng AFP sa mga residente ng inabanga na manatiling mapagmatiyag sa paligid.
Kasabay nito, nilinaw din ni Año na hindi totoong hindi nila na-monitor ang pagpasok ng Abu Sayyaf sa bohol.
Katunayan aniya, bago ang bakbakan ay naka-alerto na sila sa lugar kasunod na rin ng natatanggap nilang intelligence report.
Matapos ang matagumpay na operasyon, umaasa ang AFP na susuko na rin ang iba pang miyembro ng bandinong grupo.