Vice President Leni Robredo – nanawagan ng dasal para sa mga biktima ng sunod-sunod na kalamidad ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Nanawagan ng dasal si Vice President Leni Robredo sa publiko sa gitna ng sunud-sunod na kalamidad na nararanasan ngayon sa bansa.

Sa kanyang Holy Week message, hinikayat ni Robredo ang lahat na tularan ang ipinakitang “mercy and compassion” ng Panginoon.

Ito ay sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa.


Aniya, bukod sa pagninilay-nilay at pagbabago ngayong semana Santa, makabubuti rin kung sasamantalahin ang mahal na araw para ipagdasal at tulungan ang mga kababayang nakararanas ngayon ng paghihirap lalo na ang mga naapektuhan ng lindol.

Facebook Comments