SIYAM NA BARANGAY HALL SA BUGALLON, FULLY SOLAR-POWERED NA

Unti-unti nang nagiging ganap na solar-powered ang mga barangay hall at pampublikong tanggapan sa Bugallon bilang bahagi ng pinalakas na programa sa paggamit ng renewable energy.

Sa kasalukuyan, siyam na barangay halls ang umaandar na gamit ang solar power kabilang dito ang Angarian, Asinan, Salasa, Magtaking, San Francisco, Laguit Padilla, Gueset, Cabayaoasan, at Polong, na lubos na umaasa sa karaniwang linya ng kuryente, kundi sa enerhiyang nagmumula sa araw.

Kabilang na sa mga fully solar powered ang sports complex, public market, MSWD building, permanent evacuation center, at RHU 1 building.

Bukod sa nababawasan ang gastusin ng pamahalaan sa kuryente, nagkakaroon din ng mas tuloy-tuloy na serbisyo sa mga residente, lalo na kapag may brownout o sakuna.

Ayon sa lokal na pamahalaan, tuloy-tuloy ang implementasyon ng solarization program na target pa sa lahat ng 24 barangay at iba pang gusali upang makamit ang mas matipid, at makakalikasang operasyon sa buong Bugallon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments