Nakapagtala ng siyam na kaso ng dengue at anim na kaso ng acute gastroenteritis ang local health board ng Luna, La Union sa loob ng tatlong linggo dahilan upang silipin ang sitwasyon sa mga health services sa bayan.
Sa isang pagpupulong, tinalakay ang kahalagahan ng early interventions bukod sa pagtutok sa panggagamot sa sakit.
Kabilang pa sa mga tinitignan ng mga tanggapan ang sakit na tuberculosis, leprosy maging ang non-communicable diseases na hypertension at diabetes.
Dahil dito, paiigtingin ang konsultasyon sa mga baryo, pagbabakuna sa mga paaralan at kampanya upang maipabatid ang benepisyo na maaaring makuha ng mga residente sa PhilHealth Konsulta at TB Program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









