Sa Cebu, naarestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na Koreano sa sangkot sa human trafficking.
Ayon kay NBI agent Arnel Pura – noong isang taon pa sila nakatanggap ng ulat na isang Korean syndicate ang nag-ooperate ng sex tourism tour package sa Korea na nais magtungo sa Cebu.
Ang siste, magpapadala muna ng mga litrato ng mga babaeng pwedeng pagpilian ng mga Koreano na kanilang magiging escort at sex partners habang nagbabakasyon sa Pilipinas.
Inamin naman ng mga na-rescue babae na binabayaran sila ng P2,000 kada-araw kapalit ng kanilang pagsama at pakikipag-sex sa mga Koreano.
Samantala, tinutugis na ng mga otoridad ang itinuturong bugaw sa mga babae na si Maribeth Bontog at tatlo pang Korean nationals na nag-ooperate ng naturang sindikato sa Cebu.
Sasampahan naman ng kasong paglabag sa RA 10364 o use of traffic women or person ang mga nahuling Koreano.