Zamboanga City – Higit kumulang siyam na libong mga itlog ng manok ang inilibing kahapon sa bakuran ng Bureau of Quarantine dito sa lungsod ng Zamboanga, na galing Pampanga.
Ang mga itlog isinakay sa barkong Superferry galing Manila , at nang dumating ito noong Martes ng hapon agad naman inapprehend ng mga tauhan ng Quarantine Office at isinailalim agad sa quarantine ang mga itlog na isinilid sa maga kahon na gawa sa kahoy .
Dahil sa Avian Influenza , kahapon inilibing ang mga ito ng sa gayon hindi na makain pa ng mga tao , lalo na ang lugar na pinagmulan ng mga itlog ay may mga kaso ng avian influenza o bird flu , kung saan naging maingat lamang ang mga opisyal ng nasabing ahensya ng sa gayon maiwasan ma contaminate ang ilang produkto ng manok at itlog dito sa Zamboanga .
Ang shipper ng kahong –kahon mga itlog ay si Marian na may address na Bahay Pari Candaba Pampanga , at ang consignee nito si Cesar Villanueva.