Siyam na probinsya sa bansa, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon; apat na highly urbanized cities sa Luzon, nasa low risk na – OCTA

Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang siyam na lalawigan sa bansa kahapon, araw ng mga puso ayon sa OCTA Research Group.

Sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na kabilang sa mga lalawigan na ito ang Aurora, Catanduanes, Camiguin, Dinagat Islands, Ifugao, Marinduque, Masbate, Northern Samar at Samar.

Samantala, ibinaba na sa low risk ang COVID-19 status ng apat na highly urbanized cities (HUCs) sa Luzon kung saan kabilang dito ang Angeles, Dagupan, Lucena at Olongapo.


Ayon kay David, nakapagtala ang apat na lungsod ng napakababang reproduction number na aabot na lamang sa 0.17 hanggang 0.32.

Ibinaba naman sa moderate risk ang Baguio City at Puerto Princesa habang nananatili sa moderate risk ang Naga City at Santiago City .

Facebook Comments