Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 153 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa City of Ilagan sa Isabela batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) region 2.
Kasama sa nasabing bilang ang 26 na naidagdag ngayong araw sa siyudad.
Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal, nanguna na ngayon sa may pinakamataas na bilang ng community transmission ang lungsod na sinundan ng Tuguegarao City na may 48 at huli ang bayan ng Solano na may 4 na lang.
Sa workplace transmission, kabilang ang Isabela West National High School na may 12 active cases at Cauayan Medical Specialist Hospital na may 8 active cases.
Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na ugaliin pa rin ang pagsunod sa health protocol para makaiwas sa posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.