Siyudad ng Ilagan, Tutok sa ilang barangay upang maideklarang ‘Drug Cleared’

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy na tinututukan ng kapulisan sa Lungsod ng Ilagan ang apat na barangay kontra sa iligal na droga upang maideklara nang ‘drug cleared’ ang lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt.Col. Virgilio Vi-Con Abellera Jr., Hepe ng PNP Ilagan, kinabibilangan ito ng mga barangay ng Bigao, Bliss, Bangag at Alibagu na kasalukuyan ang pagsasaayos ng ilang mga dokumento bago ipasakamay sa oversight committee ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RO2).

Dagdag pa nito, 91 na barangay sa lungsod ay pawing 50 sa mga ito ay apektado ng iligal na droga


Layunin na maideklarang ‘drug cleared’ ang siyudad ng ilagan kaya’t patuloy ang pagbibigay ng ayuda ni Mayor Jay Diaz sa may mahigit 600 Tokhang Respondent na nagtapos sa Community Based Rehabilitation Program o CBRP at pinaniniwalaan biktima lamang ang mga ito ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments