SK Chairman, Namahagi ng Tulong sa Kanyang Kaarawan!

Cauayan City, Isabela- Imbes na tumanggap ng regalo sa iba ang isang SK Chairman ay pinili nitong magbahagi na lamang ng tulong sa mga residente ng Brgy. Buenavista, Santiago City.

Ayon kay SK Chairman April Jhon Eslabra, batid niya na higit na kailangan ngayon ng mga mahihirap na pamilya ang pagkain kaya’t naisipan nalang nitong mamaigay ng relief goods sa kanyang nasasakupan.

Namigay din ng libreng facemask si Eslabra upang magamit sa pag-iwas sa COVID-19.


Aktibong nakikibahagi sa serbisyo publiko ang nasabing SK Chairperson dahil ito aniya ang kanyang tungkulin na tumugon sa nararanasang sitwasyon ng karamihan.

Una nang ipinagbawal ng pamahalaan ang mass gathering dahil sa posibleng pagkahawa sa sakit kahit nananatili sa General Community Quarantine ang Lungsod ng Santiago.

Nagbukas na rin ang ilang establisyimento sa Lungsod subalit iiral pa rin ang ilang panuntunan kaugnay sa COVID-19.

Samanatala, ‘zero case’ case na mula sa COVID-19 ang Lungsod ng Santiago matapos magnegatibo sa sakit sa pngalawang swab test ang dalawang health worker na huling naitala sa syudad.

Facebook Comments