SK Chairman sa bayan ng Tumauini sa Isabela, Kinilala ng Award-Giving Bodies na ‘Gintong Parangal’ at ‘Asia Pacific Luminare Awards’

Cauayan City, Isabela- Kinilala bilang ‘Most Exceptional SK Chairperson and Inspiring Advocate for Youth Development of the Year’ ang pride ng Tumauini, Isabela.

Si SK Chairman Aladin Baui Cabutaje ng Brgy. Antagan 2nd ay nakatakdang tumanggap ng parangal mula sa award-giving body na Gintong Parangal na gaganapin sa August 13, 2022 sa Okada, Manila.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa opisyal, masaya ito sa pagkilala ng award-giving body lalo pa at nasa huling termino na siya bilang SK chairperson.

Ayon sa kanya, pagpapakita lamang ito na mayroon siyang ginagawa para sa komunidad hindi lamang sa kanyang nasasakupan kundi sa buong bansa.

Samantala, makakatanggap rin ng hiwalay na pagkilala bilang Asia’s Multifaceted International Youth Leader and Inspiring Young Business Leader of the Year si Cabutaje mula naman sa Asia Pacific Luminare Awards <www.facebook.com/Asia-Pacific-Luminare-Awards-108791167193629/?__cft__%5b0%5d=AZU8ia-20tHszRnVkXiVEn16io-N8_eMVFAZK8mwO15sHGpRq9xeyZOmAAOkqN2UEBv7jYy0hR2B5XjMxH_vUZUMeWTsOp8cM3WxipMXADDOyGrVzMnq_dH…> sa Nobyembre 2022.

Bukod pa dito, tutungo naman ito sa bansang Singapore para sa maging kinatawan ng Pilipinas sa International Conference for Cohesive Societies.

Umaasa naman ito na matatalakay niya ang ilang isyu kasama ang ASEAN dignitaries and youth leaders.

Facebook Comments