Doble trabaho ngayon ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para linisin ang mga estero at mga sapa na maaring magpabaha ngayon panahon na ng tag-ulan.
Ayon kay Pasig River Rehabilitation Commission Executive Director Jose Antonio Goitia, malaking tulong ngayon ang bagum bagong skimmer boat na nagpabilis sa paghakot sa mga water hyacinths sa kahabaan ng Ilog Pasig.
Isusunod na nila ngayon ang clearing operation sa ilog ng San Juan at Marikina.
Sa ngayon, abot na sa dalawang libong sako ng water hyacinths sa kahabaan ng Pasig River sa Maynila ang natanggal simula noong June 27, 2019.
Ang pagtanggal sa mga basura sa Pasig River ay nagpabilis na ngayon sa paglalayag ng mga sea vessels at ferry services.