Skydiving couple, nag-kiss sa ere nang mahigit kalahating oras

24

England – ‘Love is in the air.’

Ito ang literal na pinatunayan ng skydiving couple mula sa Southern England matapos silang mag-kiss sa ere ng mahigit 32 minuto.

Naging viral ang video ng romantic stunt ng couple na sina Andy Godwin, 49-anyos at Katy Eady 39-anyos sa isang indoor skydiving center na may 70 miles per hour na bilis ng hangin.

Napagod man daw ay nag-enjoy pa rin ang aerial couple dahil nagawa nilang pagsabayin ang dalawang paborito nilang gawin – ang skydiving at ang pagiging sweet sa isa’t isa.

Facebook Comments