Rematch o retire para kay Pacman, ayon kay Freddy Roach

63

Sports – Rematch o retire.

Ito ang dalawang option na isinagot ni Hall of Fame trainer Freddy Roach nang tanungin kung ano na nga ba ang susunod na hakbang para kay pambansang kamao, Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Kasabay ito ng kaliwa’t kanang panawagan kay People’s Champ na panahon na para isabit ang kanyang boxing gloves makaraan ang kontrobersiyal na pagkatalo sa mas batang undefeated Australian boxer na si Jeff Horn.

Samantala, nitong Linggo lamang ay iginiit ni Pacman sa kanyang mga social media post na wala siyang balak magretiro sa pagboboksing.

Facebook Comments