Pambato ng Maynila, kinoronahan bilang Ms. Philippines-Earth 2017

37

Manila, Philippines – ‘Uwian na mga kasama dahil may nanalo na!’

Kinoronahan kagabi bilang Miss Earth Philippines 2017 ang pambato ng Maynila na si Karen Ibasco.

Pinasa ni Miss Earth-Philippines 2016 Loren Artajos ang titulo kay Ibasco matapos itong mag-standout sa 40 naggagandahang contestant dahil sa matalino niyang pagsagot sa final question na “The government slogan is “change is coming’; what change do you want to see?”.

Ang nasabing pageant ay ginanap kagabi sa Mall of Asia Arena kung saan naging host dito si Robi Domingo.

Nakakuha rin ng special awards sina – Vanessa Mae Castillo ng Lobo, Batangas bilang ‘Miss Eco-Tourism; si Nellza Bautista ng Misamis Oriental bilang ‘Miss Philippines – fire’ ; Jessica Marasigan ng Caloocan City bilang ‘Miss Philippines – Water’ ; at si Kim De Guzman ng Olongapo City bilang ‘Miss Philippines – Air’.

Samantala, nakatakdang dalhin ni Karen Ibasco ang pangalan ng bansa sa Miss Earth pageant sa buwan ng Nobyembre.

Facebook Comments