Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na ang 18 kilometrong Skyway Stage 3 project na magdudugtong sa northern at southern portion ng Metro Manila.
Ang Skyway Stage 3 project ay isa lamang sa 23 proyekto ng pamahalaan na naglalayong ma-decongest o mapaluwag ang EDSA.
Sa sandaling buksan na sa mga motorista ang Skyway Stage 3 project, ang dating 2 oras na biyahe ng mga motorista mula South Luzon Expressway (SLEX) patungong North Luzon Expressway (NLEX) ay magiging 30 minuto na lang.
Habang ang biyahe ng mga motorista mula Makati patungong Quezon City ay magiging 20 minuto na lamang.
Ayon sa DPWH, bago matapos ang taong 2022, ang biyahe mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Balintawak ay magiging 20 minuto na lamang din.
Bukod dito, kabilang din sa proyekto ng pamaahaan ang NLEX Harbor Link, BGC-Ortigas Link Bridge, NLEX-SLEX Connector, Pantaleon Estrella Bridge, Binondo-Intramuros Bridge, Lawton Avenue, Katipunan Extension, at ang Laguna Lake Expressway.