‘SM Bears of Joy 2019, Inilunsad ng SM City Cauayan sa Publiko

*Cauayan City, Isabela*- Inilunsad ng pamunuan ng SM City Cauayan ang kanilang ‘Bears of Joy 2019’ Campaign na layong hikayatin ang publiko partikular ang mga dumadagsa sa mga Malls na maibahagi ang mga bagay na maliit ngunit may magandang dulot para sa mga taong nawawalan ng pribelehiyo sa isang komunidad.

Ayon kay Public Relations Manager Krystal Gayle Agbulig ng SM City Cauayan, ang ‘Bears of Joy’ ay isang charity projects ng SM Cares, SM Supermalls at Toy Kingdom na layong pag ibayuhin pa ang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taunang proyekto ng nasabing kumpanya.

Sa halagang dalawan-daang piso (P200.00) ay makakabili ka na ng isang pares na bear na ang isa ay mapupunta sa customer habang ang isa pa ay para sa napiling benepisyaryo ng kawanggawa.


Dagdag pa ni PRM Agbulig, saklaw ng nasabing benepisyaryo ay mula sa orphanages, child community center at maging sa non-government organizations.

Sa taong ito, mayroong apat na iba’t ibang klase ng bear na maaaring pagpilian na may kasama pang ‘note card’ kung saan ang isang mamimili ay pwedeng isulat kung sino ang maaaring makatanggap ng nasabing regalo.

Hinihikayat naman ng pamunuan ng SM City Cauayan ang publiko sa kanilang ‘SM Bears of Joy 2019’ na mabibili ang nasabing regalo sa lahat ng SM Malls Toy Fair Booths at Toy Kingdom Store sa buong bansa.

Facebook Comments