SM City Cauayan at SM Foundation Inc., Umarangkada sa Operation Tulong Express

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 300 hot meals ang naipamahagi ng SM Foundation Inc. sa ilang pamilya sa Barangay Gagabutan, Cauayan City, Isabela makaraang maapektuhan ng malawakang pagbaha bunsod ng pag-uulan dala ng nagdaang kalamidad.

Ayon kay Sheila Marie Estabillo, SM City Cauayan Mall Manager, noon pa man ay laging nakasuporta sa komunidad ang pamunuan ng SM at ipagpapatuloy ito lalo na ngayong dumaranas ang lahat sa pinsala ng kalamidad.

Isa naman ang East Tabacal region sa mga nakatanggap ng  nasa higit 3,000 bottled water.


Habang naipamahagi naman sa mga pamilya mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang 2,000 ‘Kalinga Packs’ na nakaranas ng matinding pagbaha.

Maliban dito, nagsilbi rin na tirahan ang SM City Cauayan para sa mga stranded shoppers at mga empleyado ng mall ngayong karamihan ay biktima ng kalamidad.

Sa pagkakataong ito, nagbibigay ng libreng parking spaces para sa mga gustong mailagay sa maayos na lugar ang kanilang mga sasakyan, libreng charging station na inilaan sa loob ng mall.

Ang SM Foundation Inc. na bahagi ng SM Group of Companies ay patuloy na mangunguna na pagsumikapan ang mga relief operations para sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Facebook Comments