Tuguegarao City, Cagayan – Kasabay ng mga iba’t ibang establisyemento ay nagsagawa ng earthquake drill ang SM Tuguegarao Downtown.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng 539 na mga kalahok mula sa mga empleyado, mall tenants at mga customer.
Isinagawa ito noong Pebrero 15, 2018 kasabay ng National Simultaenous Earthquake Drill (NSED) na isinisulong ng Ofice of the Civil Defense para sa kahandaan ng lahat sa sakunang lindol.
Ayon sa kalatas ni ipinaabot ni Princess Lauigan, ang Press Relation Officer ng SM Tuguegarao Downtown, ang pakikibahagi ng SM Tuguegarao Downtown sa NSED ay para mapalawig ang kaalaman ng publiko sa mga dapat gawin kapag may nangyaring lindol.
Nagsimula eksaktong alas dos ng hapon ang NSED na kung saan ay ginawa ng mahigit limang daan ang DCH o Duck Cover and Hold Drill.
Lumahok din sa akitibidad ang mga pang gobyernong ahensiya ng BFP Tuguegarao, PNP Tuguegarao at Rescue 111 ng Lungsod ng Tuguegarao.