Small businesses sa online, isinusulong na bigyan ng suporta at benepisyo ng pamahaalaan

45

Pinabibigyan ng isang kongresista ng suporta mula sa gobyerno ang mga maliliit na negosyo sa online.

Sa ilalim ng House Bill 7698 o Online Small Enterprise Support Services Act of 2020 na inihain ni Albay Representative Joey Salceda, mabibigyan na ng pagkakataon ang small online businesses na makapag-loan, mabigyan ng grants, registration assistance at training upang matulungan na mapalago ang negosyo.

Partikular na target dito ang online businesses na may annual sales na mas mababa sa P1 million kung saan maaari silang makapangutang sa government banks, gayundin ay eligible sa free credit reports, grants at training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang benepisyo.

Makatutulong din ang panukala na ito para makapagparehistro ang mga online business at maiwasan ang anumang government penalty.

Tinukoy pa ni Salceda na tagapagligtas ng ekonomiya ngayong may COVID-19 pandemic ang mga small online business.

Magkagayunman, sa biglang pagsulputan ng mga online business ay marami sa mga ito ang unregistered kaya sa halip na parusahan ay bigyan ang mga ito ng maraming benefits at incentives kapalit ng pagpaparehistro at pagbabayad ng buwis.

Facebook Comments